misan kala ko di na ako magmamahal pa.Marami ang nakapagsabing manhid daw ako at di madaling padala pagdating sa pag ibig pero nagkakamali sila di nila alam na nasasaktan at nahihirapan din ako tulad din ng ibang tao,naiingit,nagagalit,natutuwa,at nasasaktan.
isang di inaasahang pangyayari ang biglang nagpabago sa aking pananaw tungkol sa pag ibig.di ko akalaing mararamdaman ko ang lahat,ang magmahal sa isang tao,na sa unang pagkikita pa lang naramdaman ko na.isang tunay na pag ibig "siguro" dahil mahirap mang aminin mahal ko parin siya sa kabila ng lahat ng sakit na naramdaman ko habang kasama ko siya. Na sa kabila ng ngiti na ipinapakita ko sa kanya ay lungkot sa likod ng aking pagkatao.
isang unang pagkakataon din ang dahilan ng aking pagkabigo na para sa akin ay tama ngunit para sa iba ay mali.Marami ang nagsasabing hindi siya karapatdapat at dapat kalimutan,kung madali lang sana ay ginawa ko na.
ganito ba talaga pag nagmahal ka na sa kabila ng kanyang kapintasan ay buong puso mo parin siyang tinatangap.
kahit na walang anumang sukli mula sa kanya.
kahit na patuloy niya akong nasasaktan dahil sa pagpapakita ng harapang may mahal na siyang iba.
sobrang sakit......
sobra.....
siya ang unang pagibig ko.....
sa kaya ko lang naramdaman ang katulad nito....
bakit kaylangan pang masaktan pag nagmahal ka???
misan o madalas naiisip ko na sana di ko na lang naramdaman ito,pero nagpapasalamat na rin ako pagbibigay sa akin ng pagkakataon na magmahal yun nga lang sa isang taong may mahal ng iba.
Tuesday, December 29, 2009
Sunday, December 27, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)